Motorista sugatan sa ambush sa Maguindanao del Norte

Sugatan ang isang 46-anyos na motorista, si Abdul Rahman Sacandal Razid, ng paputukan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Simuay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Huwebes, April 16.

Minamaneho ni Razid and kanyang motorsiklo ng tambangan ng mga armadong sakay din ng motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa Barangay Simuay sa Sultan Kudarat, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

Sa inisyal na ulat ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, mabilis na nakatakas ang mga salarin na nag-ambush kay Razid na nagtamo ng mga tama ng bala at agad namang dinala ng mga emergency responders sa isang hospital upang malapatan ng lunas. (April 16, 2026)