Wala pang linaw sa pulisya kung paano namatay ang isang motoristang sundalo na natagpuang nakahandusay sa gilid ng highway malapit sa kanyang motorsiklo sa Barangay Baloybuan sa Pagadian City nitong Linggo, March 3, 2024.Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes ng Pagadian City Police Office at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, galing sa lamay ng isang namatay na kapwa sundalo si Army Corporal Erlito Guinalaran Pacaña at pauwi na sa kanilang detachment sa isang lugar sa naturang lungsod bago natagpuan ang kanyang bangkay sa tabi ng sementong bakod sa gilid ng highway.Sa pahayag ng mga saksi at mga barangay officials sa Baloybuan walang indikasyon na siya ay binaril, o pinalo ng kung ano mang matigas bagay na nagsanhi sa kanyang kamatayan. Ang kanyang bangkay ay mga tatlong metro ang layo sa kanyang motorsiklo.Inaantabayan pa ang ulat ng pulisya sa resulta ng medico-legal examination na isinagawa sa kanyang bangkay na nasa kustodiya na ng Army unit na kanyang kinabibilangan. (March 5, 2024)
Misteryosong pagkamatay?

