Isa sa mga suspect sa pagpatay sa isang ambush ng isang municipal police chief at escort nito sa Maguindanao del Sur noong 2022 ang na-aresto nitong Miyerkules sa isang bayan sa probinsya ng Cotabato.Natunton ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region si Kamid Kambal Asam, taga Barangay Lapok sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, sa isang hospital sa Midsayap, Cotabato kung saan ito nagpapagamot ng matagal ng karamdaman.Kinumpirma nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaka-aresto kay Asam ng mga operatiba ng CIDG-BAR na pinamumunuan ni Lt. Col. Ariel Huesca.Si Asam, may kinakaharap na 13 na high-profile criminal cases sa ibat-ibang mga korte sa Central Mindanao, ay isa din diumano sa mahigit 10 na armadong nakapatay sa isang ambush, noong August 29, 2022, kina Lt. Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan Municipal Police Station, at Corporal Salipudin Endab sa Barangay Kapinpilan sa Ampatuan kung saan sila at anim pang mga pulis ay magsasagawa sana ng isang law-enforcement operation. Napatay ng mga magkasanib na intelligence agents ng 6th Infantry Division at ng mga pulis noong February 28, 2023 sa maikling palitan ng putok sa bus terminal sa Tacurong City, Sultan Kudarat ang pinuno ng diumano namuno sa grupo nila Asam sa naturang pananambang, si Abdulkarem Lumbatan Hashim, kilala ding bilang Boy Jacket, at kasamang si Makmud Lumbatan, parehong mga miyembro ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (MAY 30, 2024)
