BARMM at mfa Basileño magtutulungan para sa magandang kalusugan ng lahat sa probinsya

Magkatuwang na inilunsad nitong Huwebes, July 4, 2024, ng Bangsamoro health ministry, ng Basilan governor’s office, at ng mayor ng Sumisip ang paggunita ngayong taon ng National Nutrition Month sa probinsya, kanilang inuugnay sa pagpalaganap ng kaalaman hinggil ng kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa lahat.Isinagawa ang naturang programa sa Barangay Look-Bait sa ngayon ay mapayapa ng bayan ng Sumisip sa Basilan, dinaluhan ni Bangsamoro Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr., ni Mayor Jul Adnan Hataman, mga representatibo ng tanggapan ni Gov. Hadjiman Salliman at mga kawani ng provincial health office at Ministry of Health-Basilan.Sa kanyang mensahe kaugnay ng naturang okasyon, ipinaliwanag ni Health Minister Sinolinding ang kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa magandang kalusugan ng mga residente ng Basilan.May mataas na antas ng stunted growth, o pagka-bansot ng mga bata sa Basilan sanhi ng kakulangan ng tamang nutrisyon sa kabila ng maraming mga malalawak na sakahan sa probinsya na maaring pagtamnan ng mga masustansyang gulay upang mailuto at maihain para sa mga kabataan.Nagkaisa sina Minister Sinolinding, si Mayor Hataman at ang administrasyon ni Gov. Salliman na magtulungan sa pagsawata ng malnutrisyon sa lahat ng panig ng Basilan, kung saan umuunlad na ang komersyo dahil mapayapa at sa maayos na pamamahala ng provincial government nito. (July 6, 2024)