Cotabato gov, BARMM may ‘good governance’ alliance

Nagpulong nitong Huwebes, April 9, sina Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza at si Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua sa Cotabato City kaugnay ng kanilang pagtutulungan na maging mapayapa at maunlad ang mga Moro communities sa kanyang probinsya.

May mga baluarte sa Cotabato province ang Moro National Liberation Front at ang Moro Islamic Liberation Front na may mga hiwalay na peace agreements sa Malacañang. Parehong may mga representatives ang MNLF at MILF sa 80-seat parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bago pa man sila nagpulong nitong Huwebes ni Bangsamoro Chief Minister Macacua, na siyang pinaka-mataas na official ng regional government ng BARMM, una ng tiniyak ni Gov. Mendoza, chairperson ng Cotabato Provincial Peace and Order Council, ang kanyang suporta sa mga nakatakdang peace and security activities ng mga regional police offices sa Region 12 at BARMM, ng 602nd Infantry Brigade at ng 6th Infantry Division at ng Commission on Elections kaugnay ng nakatakda ng September 14, 2026 first regional parliamentary elections sa rehiyon.

Bagama’t wala namang partisipasyon ang Cotabato province sa naturang electoral exercise, nais ni Gov. Mendoza na makatulong na maging mapayapa at malinis ang first BARMM elections sa Special Geographic Area sa probinsya na kanyang tinutulungang maging investment destination ng mga investors na pwedeng magtatayo ng mga industriya at mga agricultural projects doon upang makapag-generate ng employment para sa mga residenteng Moro at ng karagdagang revenues para sa kanilang mga local government units.

Kabilang sa mga lugar na saklaw ng September 14 BARMM elections ang walong mga predominantly Moro municipalities sa Special Geographic Area sa Cotabato province na bagamat hindi na sakop Mendoza administration ay patuloy pa rin ang mga basic services nito sa mga Moro communities sa naturang mga bagong tatag na mga bayan.

Sa kanilang dayalogo, muling tiniyak ni Gov. Mendoza kay Macacua, na siyang figurehead ng 80-seat Bangsamoro parliament at siya ring chief ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF, ang patuloy na serbisyo publiko ng kanyang administrasyon sa mga residente ng walong mga BARMM municipalities sa Special Geographic Area na may 63 barangays na dating sakop ng mga municipalities ng Cotabato province.

Matagal ng ring nagtutulungan sina Gov. Mendoza at at si Macacua sa pagpapalaganap ng religious at cultural solidarity sa mga Muslim, Christian at indigenous non-Moro communities sa Cotabato province.

Si Gov. Mendoza ang siyang presiding chairperson ng multi-sector, inter-agency Regional Peace and Order Council 12 na sakop ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at ang mga lungsod ng Kidapawan, Tacurong, Koronadal at General Santos. (APRIL 11, 2026)