Patay sa mga tama ng bala isang Filipina na si Anora Amdan habang sugatan naman ang kanyang mister na Lebanese national sa pamamaril sa intersection ng Sevilla at Pilar Streets sa Zamboanga City ngayong umaga ng Biyernes, April 10, 2026.
Agad na dinala ng mga emergency responders ang sugatang Lebanese na si Fahid Amdan upang malapatan ng lunas.
Mabilis na nakatakas ang mga bumaril sa mag-asawa ayon sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Station 11.
Inaantabayan pa ang final report ng Zamboanga City Police Office hinggil sa insidente. (April 10, 2026)

