Wanted sa kasong rape, arestado

Isang matagal ng wanted sa Zamboanga City sa tatlong kasong panggagahasa ang natunton ng mga pulis sa Barangay Bao sa Alamada sa probinsya ng Cotabato nitong Martes.

Kinumpirma nitong Biyernes ng mga opisyal ng Cotabato Provincial Police Office at ni Brig Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang pagkaka-aresto sa Sitio Suli sa Barangay Bao sa Alamada kay Christian Malque Manquiquis, wanted sa tatlong kasong rape, o panggagahasa, sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur.

Hindi na pumalag pa si Manquiquis ng matunton at pakitaan ng warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Sitio Suli sa Barangay Bao sa Alamada ng mga magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Cotabato Provincial Field Office, at mga tropa ng mga police stations sa Bayog at sa Alamada.

Ayon sa mga opisyal ng PRO-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, agad na umalis sa Bayog si Manquiquis ng masampahan ng tatlong mga kasong rape sa Regional Trial Court Branch 22 sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur ilang buwan na ang nakakalipas. (Dec. 13, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *