Samsampahan na agad ng kaso ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region ang isang police master sergeant na naaresto ng mga CIDG-BAR agents matapos silang bentahan ng dalawang M16 rifles sa isang entrapment operation sa Barangay Rosary Heights 13 sa Cotabato City nitong umaga ng Miyerkules, August 7, 2024.
Ang naturang diumano illegal gun dealer na pulis, ngayon nasa kustodiya na ng CIDG-BAR, nakadetine na sa detention facility nito sa PC Hill sa Cotabato City, ay kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Naaresto ang suspect matapos magbenta ng dalawang M16 assault rifles at mga bala, sa halagang P160,000, sa mga hindi unipormadong mga operatiba ng CIDG-BAR sa isang lugar sa Barangay Rosary Heights 13.
Sa pahayag ni Huesca nitong umaga ng Huwebes, kanilang kakasuhan ang naturang pulis ng paglabag ng Republic Act 10591 na nagbabawal ng pagbebenta ng anumang uri ng baril, mga bala at pampasabog ng walang kaukulang pahintulot mula sa Philippine National Police. (August 8, 2024)