UPDATE: P20.4-M halaga ng shabu nasamsam sa Zamboanga City

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Ridsman Jikir Majini, Alsid Ahiyan Sahiron at si Mario Pawae Jalilul na aresto ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Talisayan, Zamboanga City nitong hapon ng Sabado, September 21, 2024, nakunan ng tatlong kilong shabu na abot sa P20.4 million ang halaga.

Mismong ang director ng Police Regional Office-9, si Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ang nagkumpirma nitong Linggo na nasa kustodiya na nila ang tatlong shabu dealers, na-entrap sa Barangay Talisayan sa Zamboanga City sa magkatuwang na operasyon ng mga kasapi ng ibat-ibang units ng PRO-9 at ng Zamboanga City Police Office.

Ayon ay Masauding naikasa ang naturang operasyon sa tulong ni Zamboanga City Mayor John Dalipe na masigasig ang suporta sa kampanya ng PRO-9 laban sa narcotics trafficking sa lungsod.

Agad na inaresto ng mga anti-narcotics agents ng PRO-9 at Zamboanga City Police Office sina Majini, Sahiron at Jalilul kasunod ng kanilang pag-abot ng tatlong kilong shabu sa mga ka-transaksyon na hindi nila nahalata na mga pulis dahil hindi naka-uniporme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *