
Isang residente ng Barangay Igabay sa Balabagan, Lanao del Sur ang pumanaw sa pagamutan matapos maipit ng puno ng niyog na nabuwal at tumama sa kanilang tahanan nitong Biyernes, October 26, 2024.
Nabuwal ang naturang puno ng niyog ng malakas na hangin, dulot ng bagyong Kristine, na tumama sa mga mga bayan sa Lanao del Sur na hindi kalayuan sa dagat na sakop ng Moro Gulf. (October 27, 2024, handout Facebook images)