
Patay on the spot ang isang off-duty na sundalo, si Private First Class Mark Leo Capute, ng tambangan ng mga armado habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Tina sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Sabado, September 7, 2024.
Si Capute ay kasapi ng 44th Infantry Battalion ng 1st Infantry Division, at nag weekend pass lang upang dumalaw sa kanyang pamilya sa naturang bayan.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng Dumalinao Municipal Police Station kung sino ang responsable sa pag-ambush kay Capute na mabilis na nakatakas matapos maisagawa ang naturang krimen. (Sept. 8, 2024, handout photos)