Isang stepfather ang nakadetine na, nahaharap na sa kaukulang mga kaso, sanhi ng kanyang panggugulpi ng 4-anyos na stepson sa Barangay Mampang sa Zamboanga City nitong Biyernes.
Naka-confine na sa isang hospital ang stepson ni Jay-ar Habibon, nasa maselang kalagayan.
Nakapiit na sa isang detention facility ng Zamboanga City Police Office si Habibon, magkatuwang na sasampahan ng mga kamag-anak ng batang kanyang nagulpi at ng mga barangay officials sa Irawan ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, serious physical injuries at frustrated infanticide.
Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador mula sa isang police station na sakop ang Barangay Mampang, posibleng lango sa droga kaya napagdiskitahan ni Habibon ang bata at nagulpi.
Pinagsasampal ng malakas at binalibag ni Habibon ang bata, ayon sa mga saksi. Agad naman itong isinugod ng mga barangay officials sa isang hospital upang malapatan ng lunas.
Ginulpi din niya ang ina ng bata kaya ito nagtamo din ng mga sugat at pasa sa katawan. (April 4, 2026)

