4 na taong gulang na bata, agaw-buhay matapos umanong bugbugin ng amain

Agaw-buhay ngayon sa ospital ang isang apat na taong gulang na bata matapos umano’y malupit na bugbugin ng sariling amain sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Mampang kahapon ng hapon. April 3

Nahaharap sa mahabang pagkakakulong ang 28-anyos na suspek, matapos ang umano’y “disiplina” na nauwi sa halos pagkamatay ng bata na anak ng kaniyang kinakasama.

Agad namang inaresto ng mga pulis ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Zamboanga City Police Office Station 12 detention cell.

Prayoridad ngayon ng pulisya ang kaligtasan ng bata habang inihahanda ang matibay na ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Nakaalalay na rin ang City Social Welfare and Development Office sa pamilya ng biktima.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse at Frustrated Infanticide.