
Nakumpiska ng mga pulis ang P20,500 na halaga ng shabu sa isang dealer na nalambat sa Barangay Ala sa Esperanza, Sultan Kudarat nitong gabi ng Biyernes, December 6, 2024.
Sa mga hiwalay na ulat ng Esperanza Municipal Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office nitong Linggo, hindi na pumalag pa si Winston Biaca Velasco ng arestuhin ng mga pulis na kanyang nabentahan ng P20,500 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok San Francisco sa Barangay Ala.
Ang entrapment operation na nagresulta sa pagka-aresto kay Velasco at pagkasamsam sa kanya ng shabu ay magkatuwang na inilatag ng mga kasapi ng Esperanza Municipal Police Station at ng 2nd Sultan Kudarat Mobile Force Company na sakop ng Sultan Kudarat Provincial Police Office.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Velasco. (Dec.8, 2024, handout photo, Larry Geronio)