Shabu dealer na taga labas, arestado sa Midsayap, Cotabato

Nasamsam ng mga pulis ang P102,000 na halaga ng shabu mula sa isang dealer na taga Datu Piang, Maguindanao na na-entrap sa Barangay Poblacion 7 sa Midsayap, Cotabato nitong Sabado, April 20, 2024.Sa pahayag nitong Lunes ni Lt.Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap municipal police, nasa kustodiya na nila ang suspect na si Tokel Kadatuan, 31-anyos, na residente ng hindi kalayuang Barangay Balanakin sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.Agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga kasapi ng Midsayap Municipal Police Station si Kadatuan matapos magbenta sa kanila ng P102,000 na halaga ng shabu, ayon kay Calinga. (April 22, 2024)