Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang ilang sakay ng service van ng Bureau of Customs ng lumihis sa highway, sa hindi pa malamang kadahilanan, at bumangga sa isang puno, sa Magnaga sa bayan ng Pantukan, Davao de Oro nitong hapon ng Martes, January 14, 2025.
Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha, o nasawi sa insidente, batay sa inisyal na pahayag ng mga opisyal ng Pantukan Municipal Police Station. (January 14, 2025)