Selosong lalaki, pinatay live-in partner

Napatay ng isang lalaki gamit ang isang kitchen knife ang kanyang live-in partner sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo nitong gabi ng Sabado sa Barangay Kiagot sa Digos City, Davao del Sur.

Sa ulat ng Digos City Police Office, wala ng buhay ang biktima, may mga tama ng saksak, ng matagpuan ng mga kapitbahay sa loob ng kanilang tinitirhan ng kanyang live-in partner sa Purok Santol sa Barangay Kiagot.

Unang narinig na nagtatalo ang biktima at live-in partner bago natagpuan ang bangkay nito na duguan at may mga malalim na sugat.

Agad na umalis sa naturang lugar ang suspect, lugar, may bahid ng dugo ang mga kamay habang papalayo, ngunit natunton din ng nga tropa ng Digos City Police Office at naaresto, ngayon nakakulong na. (Handout photo, December 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *