Pulitiko, kalaban parehong patay sa barilan sa Basilan

Patay ang isang provincial board member at isang naka-away ng mag-kabarilan nitong hapon ng Miyerkules, November 8, 2023, sa Barangay Buli-Buli sa Sumisip, Basilan.

Sa inisyal na ulat ng Sumisip Municipal Police Station kay Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, parehong pumanaw sanhi ng mga tama ng bala ang dalawang sangkot sa insidente na sina Nasser Asarul na kasapi ng Basilan Sangguniang Panlalawigan at ang nakabarilang si Basid Karim.

Ayon sa Sumisip MPS, nasa loob ng isang carenderia si Asarul at ilang mga kasama ng dumating ang galit na si Karim at sila ay pinagmumura.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Asarul at Karim na bumunot ng .45 caliber pistol at biglang pinaputukan ang SP member ng ilang beses.

Nagtangkang tumakbo palayo si Karim ngunit nahabol at nabaril ng mga kasami ni Asarul ng pumalag.

Agad na nasawi si Karim habang si Asarul naman at nadeklarang dead on arrival sa Lamitan City District Hospital, mga 50 kilometro ang layo mula sa Sumisip, kung saan siya isinugod ng mga kawani ng Sumisip Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang malapatan sana ng lunas.

Makikita sa larawan ang tinakpang bangkay ni Karim na nakabarilan ng grupo ng napatay niyang isang miyembo ng Basilan provincial board. (November 8, 2023, John Unson)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *