Pulis nagwala, namaril, 1 patay, 2 kapwa pulis sugatan

Isang pulis na kilalalang lasenggo, si Police Cpl. Alfred Dawatan Sabas na tropa ng ng Police Station 7 sa General Santos City, sakop ng Police Regional Office-12, ang nakapatay ng isang pasahero ng bus ng nagwala habang sakay nito at nakasugat pa ng dalawang kapwa pulis na nagtangkang arestuhin siya.

Ang madugong krimen na kagagawan ng pinaniniwalaang addict sa shabu na si Sabas ay unang naganap sa loob ng isang bus na kanyang sinasakyan, kasama diumano ang kanyang misis, habang bumibyahe sa Barangay Batasan sa Makilala sa probinsya ng Cotabato bandang 2:30 a.m. nitong Sabado, December 28, 2024.

Pinagbabaril at nasugatan ni Sabas ang dalawang kapwa pulis, mga kasapi ng 1104th Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office-11, sa isang checkpoint sa New Opon sa Magsaysay Davao del Sur, nang aarestuhin sana siya ng mga ito.

Nagtangkang tumakas si Sabas, ngunit maagap namang nasukol ng mga pulis na nagresponde sa insidente

Ayon sa mga kakilala, naniniwala silang lulong sa shabu at marijuana si Sabas at ito ay nahalata nila matagal na. (December 28, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *