
Sa kulungan ang bagsak ng isang kasapi ng Philippine Coast Guard, isang pulis at kanyang kabiyak matapos nilang bentahan ng P13.6 million na halaga ng shabu ang isang isang anti-narcotics team sa isang entrapment operation sa Barangay Boalan sa Zamboanga City nitong hapon ng Miyerkules, September 18, 2024.
Kinumpirma nitong Huwebes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, na nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office ang tatlong suspects — sina Police Staff Sergeant Siddih Lajahasan Alliudin, Jr., ang kanyang misis na si Mardie Abbas Alliudin at ang kasapi ng Philippine Coast Guard na si Mohammad Sallie Lito Abbas — nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Masauding, agad na inaresto ang mga hindi unipormadong mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit ng PRO-9 at mga operatiba ng Zamboanga City Police Office ang tatlo matapos silang bentahan ng dalawang kilong shabu sa isang entrapment operation sa Zone 6 sa Barangay Boalan sa Naturang Lungsod, naikasa sa tulong nga mga barangay officials at ng mayor ng naturang lungsod.
Pinasalamatan nitong umaga ng Biyernes ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, chairman ng Zamboanga City Peace and Order Council, ang mga police units na nagkasa ng naturang matagumpay na entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng isang pulis, isang kasapi ng Philippine Coast Guard at isang civilian at pagkasamsam mula sa kanila ng P13.6 million na halaga ng shabu. (Sept.19, 2024)