Panibagong sunog sa Midsayap, Cotabato

Ang sunog ay naganap nito lang umaga ng Miyerkules, September 26, 2023, kung saan tinupok ng apoy ang isang establisimento sa gilid ng highway sa Poblacion 8 sa Midsayap sa probinsya ng Cotabato.

Ang naturang establisimento ay nagbebenta ng mga mga stationary industrial at agricultural engines.

Naapula ang sunog mga isang oras matapos na naiulat ito ng mga residente sa Bureau of Fire Protection at sa kanilang barangay government na magkatuwang na nag-responde sa insidente.

Tatlong mga establisimento sa Quezon Avenue sa Barangay Poblacion 5 sa Midsayap ang unang tinupok ng apoy nitong gabi ng Lunes, September 25, 2023.

Tumagal ng dalawang oras ang naturang sunog, magkatuwang na naapula ng mga emergency responders ng Midsayap municipal government at mga kasapi ng Bureau of Fire Protection. (September 26, 2023)

By (JF Unson)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *