
Nilinaw ng pamilya ng napatay sa isang shootout na si Police Staff Sgt. Zahraman Dicolano na wala silang kinasuhan sinuman kaugnay ng kanyang pagkasawi sa naturang insidente.
Ang kanilang paglilinaw ay kaugnay ng, ayon sa kanila, maling paniniwala ng marami na may mga kinasuhan silang mga indibidwal, kabilang na ang ex-board member, o dating kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng Maguindanao, na si Jojo Limbona.
Si Police Staff Sgt. Dicolono at nasawi sa isang shootout sa Rosales Street, Cotabato City noong January 6, 2024.
Ayon kay Mrs. Rowena Dicolano, taliwas sa paniwala ng marami, wala silang sinumang sinampahan ng kasong kriminal kaugnay ng sinapit ng kanyang mister.
Kanyang nilinaw, sa isang dayalogo sa mga reporters ng limang radio stations sa Cotabato City, na taliwas sa mga kumakalat na usap-usapan at paniwala ng marami, wala silang ni isa mang kinasuhan kaugnay ng pagkakapaslang sa kaniyang mister.
Ayon kay Mrs, Dicolano at ng kanyang mga kamag-anak na humarap sa mga radio reporters, bagama’t masakit, tanggap na nila ang sinapit ni Police Staff Sgt. Dicolano. (OCTOBER 1, 2024)