
Arestado ng isang dealer matapos mabilhan ng mga pulis ng P510,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Putik sa Zamboanga City nitong Martes.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ng Police Regional Office-9 at ng Zamboanga City Police Office, nakakulong na ang 22-anyos na suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska ng mga hindi unipormadong mga pulis mula sa suspect ang P510,000 na halaga ng shabu sa naturang entrapment operation na naikasa sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at mga community leaders sa Barangay Putik.
Ayon kay Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng PRO-9, mismong mga kamag-anak at mga kapitbahay ng nalambat na shabu dealer ang nagsuplong ng kanyang pagbebenta ng shabu sa mga opisyal ng pulisya sa Zamboanga City. (December 13, 2024)