Namumutol ng sanga ng puno, nakuryente, patay

Agad na nasawi ang isang mangaggawa, si Pablito Cobrado, ng kanyang masagi ang kable ng kuryente mula sa isang poste na konektado sa mga bahay habang kanyang pinuputol ang mga sanga ng isang punongkahoy sa isang lote sa Purok 5 sa Legarda Uno sa bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Miyerkules, September 18, 2024.

Nagtamo naman ng mga sugat at paso sa katawan ang kanyang kamag-anak na kapwa manggagawa na si Brent Cobrado sanhi ng naturang insidente.

Sa inisyal na ulat ng Dinas Municipal Police Station at ng Dinas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kinontrata ng kapitbahay ang dalawang mga biktima na bawasan ang mga sanga ng naturang punongkahoy na halos nakapatong na sa bubong ng kanilang bahay.

Nasagi ni Pablito ang kable ng kuryente at tuluyan ng dumikit ito sa kanyang katawan kaya ito agad na namatay matapos kumisaykisay ng ilang Segundo.

Ginagamot na ang nakuryenteng si Brent sa isang hospital habang ang nasawi na si Pablito ay ihinatid na ng mga emergency responders sa isang punerarya. (September 18, 2024, handout Facebook photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *