
Agad na namatay sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan ang motoristang si Avi Martizano Aro, 18-anyos, ng kanyang mabangga ang likurang bahagi ng isang pick-up truck na kanyang sinusundan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Batiocan sa Libungan, Cotabato nitong gabi ng Miyerkules, October 2, 2024.
Ang pick-up truck ay minamaneho ni Imelda Juarez Anastacio, 52-anyos, ayon sa ulat ng Libungan Municipal Police Station.
Parehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan, patungong Pigcawayan, Cotabato ng maganap ang aksidente.
Ayon sa mga saksi, mabilis ang pagpapatakbo ni Aro ng kanyang motorsiklong Suzuki Raider 150 ng kanyang mabundol ang likuran ng pick-up truck ni Anastacio. (October 3, 2023)