Mga nawawalang taga Digos City nakitang patay na sa Maguindanao del Sur

Natagpuang parehong patay na nitong Myerkules ang magkaibigang taga Digos City na sina Michael Crisologo Tenazes, Jr. at Redford Uy sa isang barangay sa Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao del Sur.

Ang Digos City ang siyang kabisera ng Davao del Sur.

Ang dalawa ay unang iniulat ng mga kamag-anak na nawawala nitong Lunes, ayon sa pulisya sa Digos City.

Ayon kay Col. Roel Rullan Sermese, director ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, may paniwala ang mga imbestigador ng Datu Anggal Municipal Police Station na posibleng itinapon lang ang kanilang mga bangkay kung saan unang natagpuan ng mga residente sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *