Mga ilog sa Tampakan, South Cotabato regular ng lilinisin ng mga residente at mining company

Regular na ang pagtutulungan ng mga etnikong Blaan, mga settlers at ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga ilog sa Tampakan, South Cotabato.

Huling nagtulungan nitong World Earth Day, mga tatlong linggo pa lang ang nakakalipas, sa paglinis ang ibat-ibang sektor sa Tampakan at mga kawani ng SMI, katuwang ang mga Blaan tribal leaders, ng mga ilog sa doon.

Nakatakda ng mag-mina ng copper at gold ang naturang kumpanya sa mga ancestral domains ng mga Blaan sa Tampakan batay sa pahintulot ng national government, ng central office ng Department of Environment and Natural Resources at ng mga kasapi ng municipal tribal councils.

Sa tantya ng mga geologists ng DENR central office at ng DENR Region 12 at ng mga mining engineers mula sa Europe at Australia, hindi bababa sa US$ 200 billion ang halaga ng copper at gold deposits sa Tampakan, mga 14 kilometro ang layo mula sa Koronadal City, ang kabisera ng Region 12.

Mahigit isang tonelada ang nakolektang basura ng mga residente ng Tampakan at mga kawani ng SMI sa pinakahuling river cleanup drive nila nito lang April 22, 2024. (May 4, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *