Mga B’laan sa Tampakan nabigyan ng dental, medical services

Malaking bilang ng mga etnikong Blaan at settlers sa Barangay Pula Bato sa Tampakan, South Cotabato ang nabigyan ng libreng dental and medical services sa magkatuwang na outreach mission bago lamang ng kanilang mga local officials, mga tribal leaders at ng isang pribadong kumpanya na may malawak na community outreach projects sa naturang bayan.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Linggo, November 10, nagpasalamat sina Pula Bato Barangay Chairman Neil Ryan Escobillo at mga Blaan tribal leaders, kabilang sa kanila si Domingo Collado na indigenous people’s mandatory representative sa Sangguniang Bayan ng Tampakan, sa Sagittarius Mines Incorporated sa pagsasagawa nito ng public service activity para sa mga residente ng naturang barangay.

Matagal ng nagtutulungan ang mga local officials sa Tampakan, ang mga leaders ng tribong Blaan at ang Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa mga health, social welfare at education support projects para sa mga residente ng lahat ng barangay sa naturang bayan.

Ang SMI ay kontratado ng Malacañang na mamahala ng Tampakan Copper Gold Project simula sa susunod na taon, isang proyektong suportado ng mga Blaan at T’boli tribal leaders sa South Cotabato at ng central office ng National Commission on Indigenous Peoples.

Kabilang sa mga positibong resulta ng pagtutulungan ng SMI at ng local officials at mga tribal leaders sa Tampakan, sa Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur ang ang pagtapos ng kolehiyo ng mahigit 700 na mga college scholars ng kumpanya mula sa naturang mga lugar, halos lahat may mga trabaho na. (NOVEMBER 10, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *