Mga batang Moro sa Maguindanao del Sur, natuliu nang libre

Mahigit 200 na mga batang Moro mula sa mga pamilyang mahirap sa Pagalungan, Maguindanao del Sur na umaasa lang sa pagsasaka at pangingisda sa Ligawasan Marsh ang natuli ng libre nitong August 14-15, 2024 relief mission ng samahan ng mga mapagkawanggawa na mga grupo.

Nakapagsagawa din ng libreng pagsuri ng mahigit 200 na mga pasyenteng may mga problema sa mata katulad ng malabong paningin, may caratact at pterygium, ang medical team ng tanggapan ng doctor sa Bangsamoro parliament, ang ophthalmologist na si Kadil Monera Sinolinding, Jr., at ang mga kawani ng Deseret Hospital sa bayan ng Kabacan sa Cotabato.

Si Sinolinding, kasalukuyang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ay naninilbihan bilang miyembro ng BARMM parliament na may 80 na mga miyembro, maliban pa sa kanyang pamamahala ng Ministry of Health ng Bangsamoro government.

Pinasalamatan nitong Biyernes ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod si Parliament Member at BARMM Health Minister Sinolinding at mga kasama sa pagsagawa ng medical mission sa kanilang bayan na mahigit 500 na mga residente ang nakabenepisyo. (August 16, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *