MANILA, Philippines (Pilipino Star Ngayon, August 16, 2024) — Pitong katao ang nasugatan kabilang ang hepe ng San Simon Muncipal Station matapos ang pagsabog ng butane gas habang nagsa-samgyupsal sa loob ng police station.
Kinilala ang mga sugatan na sina PMajor Leonardo Lacambra, Staff Sergeants Mary Jane Genobili at Jay-r Mabborang, mga non-uniformed personnel Rolalyn Pascua, Marvin Novesteras, Rowena Ignacio Celestial, at Euis Pauig.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang pagsabog, alas-5:30 ng hapon nitong Martes sa loob mismo ng nasabing police station.
Naghahanda ang mga kapulisan para sa gagawing samgyupsal na kanilang hapunan nang biglang sumabog ang butane gas cylinder ng kanilang portable stove.
Nagtamo ng first-degree burn ang mga biktima at agad na dinala sa ASCOM Hospital sa Apalit, Pampanga.
Nakalabas na ang tatlo sa mga sugatan habang ang apat kabilang si Lacambra ay nananatili sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.
Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, lumilitaw na substandard ang butane na ginamit sa samgyupsal.
Pinag-iingat nito ang kanyang mga tauhan sa paggamit ng butane upang maiwasan na maulit ang insidente.
SOURCE: Pilipino Star Ngayon, August 16, 2024, Doris Franche-Borja)