Mga BARMM officials na kakandidato sa regional elections, dapat resigned sa puwesto

Hiniling ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition, o BGC, sa House of Representatives at sa Senate na dapat, kung sakaling ma-postpone nga ang kaunaunahang 2025 BARMM parliamentary elections, ay dapat resigned, o tiwalag na agad sa kanilang mga puwesto ang mga kasapi ng parliamento na kakandidato sa mga puwestong kabilang sa electoral process.

Sa isang opisyal na pahayag nitong Linggo, November 24, 2024, iminungkahi ng BGC, isang malaki at ma-impluwensyang grupo ng mga regional parties — ang Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo, ang Bangsamoro People’s Party at ang Al Ittihad-Ungaya sa Kwagib Nu Bangsamoro — sa Kongreso na dapat ay ganun ang magiging patakaran ng napipintong kaunaunahang BARMM parliamentary elections dahil ganun ang nakasaad sa batas.

Iginiit ng BGC na malinaw ang naturang pambansang polisiya ayon sa 1987 Constitution at sa Omnibus Election Code na ipinapatupad ng Commission on Elections.

Ayon sa BGC, nararapat lang na resigned na sa kani-kanilang mga puwesto ang mga kasapi ng BARMM parliament, may 80 na mga miyembro, na kakandidato sa mga puwestong isasailalim sa elections, dahil yun ang pinag-uutos ng batas. (November 27, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *