
Mahigit 30 na mga bahay na gawa sa semi-permanent materials sa isang seaside area sa Barangay Milbuk sa Palimbang, Sultan Kudarat ang winasak ng buhawi nitong hapon ng Huwebes, December 26, 2024.
Ayon sa inisyal na ulat ng mga municipal officials sa Palimbang, 35 na mga pamilya ang apektado ng kalamidad, nasira ang mga bahay.
Nagpaabot na ng inisyal na ayuda ng local government unit ng Palimbang sa mga residente ng Barangay Milbuk na nawalan ng mga tahanan. (December 27, 2024, handout photo)