Maranao na may-ari ng ukay-ukay store, patay sa pamamaril

Isang kilalang mapag-kaibigan na Maranao na taga Baloi, Lanao del Norte na dealer ng mga ukay-ukay na mga damit sa Koronadal City ang napatay sa pamamaril nitong gabi ng Sabado.

Sa mga ulat ng South Cotabato Provincial Office at ng Police Regional Office-12 nitong Lunes, sa sa dalawang sakay ng motorsiklo ang pumatay kay Mohammad Usman Najib sa labas lang ng kanyang tindahan ng ukay-ukay, o used clothings, sa Upper Osmeña Street sa Koronadal City.

Ayon sa mga opisyal ng barangay na sakop ang kinaroroonan ng tindahan ni Najib, walang siyang masamang record sa kanilang tanggapan at sa Koronadal City Police Office at kilala siya sa naturang lugar na magalang at mapagkaibigan sa mga taga roon at mga kapwa mga negosyante.

Ayon sa mga imbestigador ng Koronadal City police force, posibleng “rido,” o away ng mga angkan sa Lanao del Norte na maaring sangkot ang ilan sa kanyang mga kamag-anak, ang dahilan ng dahilan ng pagpaslan sa kanya ng mga salarin na mabilis namang nakatakas sakay ng motorsiklo. NOVEMBER 25, 2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *