Librong gamay sa BARMM parliament members, inilunsad

Magkatuwang na inilunsad nitong Miyerkules, September 25, 2024, ng dalawang authors at mga kinatawan ng Institute for Autonomy and Governance ang isang aklat na gabay upang maging epektibo ang mga baguhang kasapi ng Bangsamoro parliament, nailathala sa tulong ng pamahalaan ng Australia.

Katuwang ng dalawang authors na sina Engineer Baintan Adil-Ampatuan, na kasalukuyang kasapi ng Bangsamoro parliament, at Violeta Veloso, sa paglunsad ng kanilang “MP’s Little Green Book” ang director ng Institute for Autonomy and Governance na si Attorney Benedicto Bacani, na tumulong sa paglathala nito, at ang ilang mga kasapi ng regional parliament at si Maguindanao del Norte Gov. Abdulrauf Macacua.

Ang MP sa titulo ng libro ay nangangahulugan ng “member of parliament,” o kasapi ng Bangsamoro regional lawmaking body na may 80 na mga miyembro.

Kabilang sa mahigit 100 na dumalo sa naturang book launching, ginanap sa Cotabato City, ang mga representatibo ng Philippine National Police, ng 6th Infantry Division, ng Bureau of Jail Management and Penology, mga mula sa non-Moro indigenous groups, sa education sector at mga opisyal ng ibat-ibang ahensya ng Bangsamoro regional government.

Layunin ng MP’s Little Green Book nila parliament member Adil-Ampatuan at Veloso, na naging staff, sa loob ng 35 taon, ng House of Representatives, at naging executive director ng Committee Affairs Department nito sa loob ng 24 na taon, ang magabayan ang mga baguhang kasapi ng Bangsamoro parliament sa kanilang panunungkulan bilang mga mambabatas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (SEPTEMBER 26, 2024) CONTRIBUTED REPORT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *