
Dumagsa sa Cotabato City Plaza at sa mga gilid ng ilang bahagi ng Sinsuat Avenue sa lungsod ang libo-libong mga supporters ni Cotabato City Mayor Butch Abu, kandidato para sa pagka-mayor ng lungsod, at kanyang running mate na si Bimbo Ayunan Pasawiran ngayon Huwebes, October 3, 2024, ang araw ng kanilang paghain ng certificates of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections sa loob ng Bangsamoro regional capitol.
Sumama sa naturang pag-display ng kanilang puwersa ang maraming mga botante sa lungsod na mga Kristiyano at mga etnikong Teduray na supporters ng Moro na si Abu, nagsimulang mag-serbisyo publiko bilang city councilor bago nahalal na vice mayor.
Si Abu ay kasapi ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo, o SIAP Party, ang pinaka-unang regional political party sa Bangsamoro region, nagsimula noon pang panahon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na nabuwag na at napalitan nitong 2019 ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang pinaka-balwarte ng SIAP Party ay Lanao del Sur at ito ay may hindi bababa sa 700,000 na mga supporters, lahat dokumentado, sa mga probinsya at mga lungsod ng BARMM. Ang abugadong si Naguib Sinarimbo, kilalalang human rights lawyer, ang isa sa mga campaign managers ng SIAP sa Cotabato City.
Ang SIAP Party ay mga layuning mapalakas at mapalawig ang unanawaan at samahan ng mga Muslim, Christian at non-Moro indigenous groups sa BARMM at ang pagpapalaganap ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan ng interfaith dialogues upang mapaunlad ang industriya at komersyo mga probinsya at lungsod na sakop nito. (October 3, 2024)