
Natigil ang daloy ng trapiko sa isang bahagi ng highway sa Kanlawilao sa Dalaguete sa probinsya ng Cebu dahil sa pagkakabara nito ng lupa at mga bato na dumausdos mula sa gilid ng bundok nitong Linggo, December 22, 2024, kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran.
Nagsasagawa na ng clearing operations ang local government unit ng Dalaguete upang mabuksang muli highway sa mga sasakyan at mga motorista. (December 22, 2024, handout photo, Enricoso Salome)