Lanao Sur, may solo parents’ welfare ordinance na

Pormal na inilunsad nitong Huwebes, November 21, 2024, ang Lanao del Sur provincial Solo Parents Welfare, pinaka-una sa buong Bangsamoro region.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Lanao del Sur Vice Gov. Mohammad Khalid Raki-in Adiong, magkatuwang nilang ipinagkaloob ni Provincial Information Officer Salma Jayne Tamano nitong Huwebes ang kopya ng naturang ordinansa sa mga representatibo ng solo parents’ sector sa probinsya sa isang seremonyang ginanap sa provincial capitol sa Marawi City.

Pinasalamatan, sa naturang okasyon, ni Tamano ang Sangguniang Panlalawigan na pinamumunuan ni Adiong bilang presiding chairperson at si SP Member Ansari Gandamra, ang may may akda ng Solo Parents Welfare Act, na agad na inaprubahan ng kanilang mga kasamang provincial lawmakers.

Layunin ng naturang ordinansa, ipapatupad sa 39 na mga bayan sa Lanao del Sur at sa kabisera nito, ang Marawi City, na mabigyan ng agarang serbisyo ang solo parents sa Lanao del Sur na nasasadlak sa mga socio-economic at health issues at iba pang mga problemang kanilang kinakaharap.

Dalawang mga kasapi ng Bangsamoro parliament, si Regional Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr. at si Regional Social Services Minister Raissa Jajurie ay nagpahayag nitong Biyernes ng suporta sa pagpapatupad sa Lanao del Sur ng ordinansa, pinaka-unang naipasa ng isang provincial sa autonomous region. (NOV. 22, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *