
Isang lalaking nagkautang ng pera sa isang kakilala ang nakulong matapos niyang mataga ito ng anim na beses gamit ang itak ng siya ay pinakiusapan nitong bayaran na ang kanyang utang bandang umaga kamakalawa.
Naganap ang insidente sa Barangay Casisang sa Malaybalay City sa Bukidnon sa Region 10.
Sa pahayag ng Bukidnon Provincial Police Office, ang biktima, pansamantalang kinilala lang muna na isang “Loloy,” ay agad nag naisugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas ang kanyang anim na mga sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan sanhi ng pananaga ng kaibigang may utang sa kanya.
Agad namang naaresto ang suspect, residente ng Little Panay sa Panabo, Davao City, ng mga kasapi ng Malaybalay City police force at ng mga barangay officials na nag-responde sa insidente, ngayon nakakulong na at nahaharap na sa kaukulang kaso. (Nov. 28, 2024)