
Isang residente ng Sumisip, Basilan ang agad na namatay sanhi ng pamamaril habang nakaupo sa front seat ng nakaparadang van sa Barangay Matibay sa Lamitan City nitong umaga ng Huwebes, September 26, 2024.
Tama ng bala sa ulo ang sanhi ng kamatayan ng biktima ng naturang pamamaril na si Suadi Wakil Jahwan, 38 anyos, residente ng Sitio Sapa-Sapa sa Barangay Tumahubong sa bayan ng Sumisip, Basilan.
May paniwala ang mga imbestigador ng Lamitan City Police Station na posibleng taga Sumisip din ang mga pumatay kay Jawan dahil hindi naman ito residente ng naturang lungsod. (September 27, 2024)