
Isang municipal election officer sa isang bayan sa Lanao del Sur, si Mark Orlando Vallecer, 51-anyos, ang napatay ng mga armadong motorista sa Barangay Curva sa Miagao sa Salvador, Lanao del Norte nitong hapon ng Lunes, November 25, 2024.
Si Vallecer ay municipal election officer ng Nunungan sa Lanao del Norte.
Minamaneho ni Vallecer ang kanyang kotse ng tambangan ng mga salarin sa Barangay Curva na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Mabilis na nakatakas ng mga pumatay sa kanya gamit ang kanilang motorsiklo,
Naganap ang pagpaslang sa kanya tatlong araw pa lang mula ng mapatay sa isang ambush din si John Nico Allan Pandoy, assistant municipal election officer ng Isulan sa Sultan Kudarat.
Sakay si Pandoy ng kanyang motorsiklo nitong Sabado, November 24, 2025, ng tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Poblacion sa President Quirino sa Sultan Kudarat. Agad na namatay si Pandoy sa mga tama ng bala.
Agad na nakatakas ang mga nag-ambush kay Pandoy, hindi pa nakikilala ng mga imbestigador ng President Quirino Municipal Police Station. (Nov. 26, 2024)