
Natangay ng apat na holdapers na sakay ng dalawang mga motorsiklo ang abot sa P483,000 cash collections ng isang gasoline station sa Purok 3 sa Barangay Poblacion sa Kolambugan, Lanao del Norte bandang 8:00 a.m. nitong Martes, August 27, 2024.
Sa inisyal na mga pahayag ng Kolambugan Municipal Police Station at ng management ng RMC Petrol Gasoline Station, pumasok ang mga holdapers sa opisina ng establisyemento, tinutukan ng mga short firearms ang mga empleyado sabay deklara ng holdap.
Mabilis na tumakas ang mga holdapers sakay ng kanilang motorsiklo matapos makuha ang koleksyon ng naturang gasoline station na abot sa P483,000 ang halaga.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa probinsya ng Lanao del Norte na sakop ng Region 10, tatlong gasoline stations na sa probinsya ng na-holdap mula January 2024.