Shabu, mga bomba, assault rifles nasamsam sa 5 bandidong napatay sa Aleosan, Cotabato

Limang bandido, kabilang sa kanila ang matagal ng wanted sa pagnanakaw ng mga baka at kalabaw, malakihang pagbebenta ng shabu at extortion, si Macabuat Salik, ang napatay ng mga tropa ng ibat-ibang units ng Police Regional Office-12 at ng mga kasapi ng Special Action Force sa isang engkwentro sa Barangay New Panay sa Aleosan, Cotabato nitong Miyerkules, July 10, 2024.

Abot sa P324,000 na halaga ng shabu at mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices ang natagpuan ng mga imbestigador sa hideout ng limang napatay na mga bandido, kabilang na ang kanilang mga assault rifles at mga granada.

Isang Special Action Force commando, si Cpl. Jed Michael Gregorio, ang nasawi sa insidente na nagsanhi din ng pagkakasugat ng tatlo niyang kasama, ngayon ginagamot na sa isang hospital.

Isang search operation na mapayapa sana ang gagawin ng mga pulis sa kuta nila Salik at kanyang apat ng mga tauhan ngunit sila ay pumalag kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi sa kanilang agarang pagkamatay sanhi ng mga tama ng bala. (July 12, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *