Natagpuan bandang takipsilim nitong Biyernes, July 11, 2024, ng rescuers ang bangkay ng piton-taong gulang na si Razul Bitul na tinangay, kasama ang kanyang mga kapatid na si Norhaina at Norhaine, ng rumaragasang baha na tumama sa kanilang barangay sa Matanog, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Martes, July 9, 2024.
Unang natagpuan ang mga bangkay ng kanyang dalawang babaeng kapatid sa mga hiwalay na lugar sa Campo Uno sa Matanog isang bayan na nasa boundary ng Lanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Tinamaan ng rumaragasang baha ang bahay ng Pamilya Bitul at nasawak. Mahigit 100 na mga bahay ang sinira ng bahay sa Matanog at mga karatig na lugar, kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa mga kabundukan sa kapaligiran.
Hindi bababa sa 5,000 na mga residente ng Matanog ang apektado ng naturang baha, maliban pa mga residenteng napilitang lumikas din sa kani-kanilang mga bahay sa hindi kalayuang mga bayan ng Kapatagan, Balabagan at Malabang sa probinsya ng Lanao del Sur na nahagip din ng flashfloods nitong gabi ng Martes. (July 12, 2024) JFU