
Isang nagmamaneho ng kotse, nakilalang si Eduardo Hachuela Trinidad, Jr., batay sa kanyang driver’s license, ang nasawi ng kanyang mabangga ang isang punongkahoy sa gilid ng highway sa Barangay Glamang sa bayan ng Polomolok, South Cotabato nitong madaling araw ng Lunes, September 16, 2024.
Wasak ang unahang bahagi ng Mitsubishi Mirage ni Trinidad, may plate number MBD 2210, na bumangga sa isang puno ng santol sa naturang lugar.
Ang nasawing si Trinidad ay kilala sa South Cotabato at General Santos City na magaling na basketball player. (Handout photos, September 16, 2024)