Dalawang manggagawa ng local government unit ng Valencia City sa Bukidnon ang namatay sa aksidenteng pagkakuryente nitong Lunes, July 8, 2024.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Martes, nililinis ng mga biktimang sina Alfe Quillo Capito, 47-anyos, at ng 60-anyos na si Elecio Baroa Adelaida, ang isang canal sa palengke ng Valencia City ng aksidenteng masagi nila ang isang nakalaylay na putol na power cable na hindi nila agad na napuna.
Kinumpirma ng Bukidnon Provincial Police Office at ng Valencia City LGU ang pagkasawi nila Capito at Adelaida sa naturang insidente. Ayon sa mga saksi, agad na nagkikisay sina Capito at Adelaida hanggang malagutan ng hininga. Nangako ng tulong ang Valencia City LGU sa pagpapalibing sa kanilang dalawa. (July 9, 2024)