Nagkasundo ang Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang Bangsamoro Land Transportation Regulatory and Franchising Board na magtulungan sa mga programang naglalayung mapabuti ang kalagayan ng mga mangagawa sa BARMM, kabilang na ang mga nasa transportation industry.
Ito ay ayon sa pahayag nitong Martes, July 9, 2024, ni BARMM Labor Minister Muslimin G. Sema, matapos silang magpulong nitong nakalipas na Linggo ng mga kawani ng BLTFRB, kabilang sa kanila ang director nitong si Jobayra P. Tandalong, May direktiba si Minister Paisalin Pangandaman Tago ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM kay Director Tandalong na makipagtulungan sa mga proyekto ng ng tanggapan ni Minister Sema hinggil sa pagpapabuti ng labor sector sa autonomous region.
Ayon kay Minister Sema, matagal ng nakatutok ang MoLE-BARMM sa mga programang ikakabuti ng mga transportation workers sa Bangsamoro region. Pinasalamatan ni Minister Sema si Director Tandalong at si Minister Tago sa kanilang ginawang pakikipag-ugnayan sa MoLE-BARMM, sa pamamagitan ng inisyal na dayalogo nila at ng mga kawani ng BLTRFB, pinangunahan mismo ni Director Tandalong nitong nakalipas na linggo sa regional office ng Bangsamoro labor ministry.
Makikita sa larawan si MoLE-BARMM Minister Sema at mga kawani ng BLTFRB matapos silang magpulong nitong July 4, 2024. (JULY 9, 2024)