
Dalawang diumano mga dayo sa Maguindanao del Norte mula sa General Santos City, sina Kandatu Luna at isang Bryan Mindoh, ang napatay sa pamamaril sa loob mismo ng isang bakuran sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Linggo, September 29, 2024.
Bagama’t sinasabing mga taga General Santos City, ang dalawang napaslang sa pamamaril ay mga Maguindanaon, ayon sa mga residente ng Barangay Makir na tumutulong sa pulisya sa pag-iimbistiga sa insidente.
Ayon sa sa hepe ng Datu Odin Municipal Police Station. Si Lt. Col. Roy Subsuban, nakunan ng mga naka-paketeng shabu ang dalawa at gamit sa pagsinghot nito kaya may indikasyon na may kinalaman sa illegal drugs ang pagkakapatay sa kanila. (September 30, 2024)