Business permit ng dealer ng mga paputok na sumabog, suspendido

Pansamantalang sinuspinde nitong Lunes ng city government ng Zamboanga ang business permit ng dealer ng mga paputok at mga pyrotechnics na sumabog sa loob ng imbakan nito na nagsanhi ng pagkamatay ng lima katao at pagkasugat ng 21 na iba pa.

Sa pahayag nitong Martes, July 2, 2024, ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at ng Bureau of Fire Protection sa Zamboanga City, ang naturang suspension order ni Mayor John Dalipe ay kasunod ng isang inter-agency meeting hinggil sa madugong insidente nitong Sabado.

Maliban sa pansamantalang pagpapawalang-bisa sa business license ni firecrackers at pyrotechnics dealer Jonathan Chua, inaalam na rin ng mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office kung ano ang mga kasong maaring isampa laban sa negosyante.

Lima ang nasawi, isa sa kanila tatlong-taong gulang na bata, sa malalakas at sunod-sunod na pagsabog ng naturang ilang toneladang mga firecrackers at pyrotechnics na nakaimbak sa isang warehouse sa Marquez Drive sa Zamboanga City na nag-sanhi din ng pagkasira ng naturang gusali at mga bahay sa kapaligiran. (July 2, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *