Bus lumihis sa highway, bumangga sa konkretong bahay

Apat na sakay ng isang unit ng Rural Bus ang nasaktan ng ito ay lumihis, nagawi sa gilid ng highway at bumangga sa isang dalawang palapag na konkretong bahay sa Gabunon sa bayan ng Tambulig sa Zamboanga del Sur nitong tanghali ng Miyerkules, October 30, 2024.

Sa inisyal na ulat ng Tambulig Municipal Police Station, nawalan diumano ng kontrol ang driver ng Rural Bus, sa hindi pa matukoy na dahilan, kaya ito naaksidente.

Agad namang naka-responde sa pangyayari ang mga kasapi ng lokal na pulisya at mga miyembro ng Tambulig Municipal Fire Station, sa pangunguna ni Senior Fire Officer 4 Rolly Lampon, at kanilang nabigyan ng first aid, o paunang lunas, ang apat na sakay ng bus na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente. (October 30, 2024, handout Facebook image)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *