Isang limang-taong-gulang na bata ang natagpuang patay, wala ng damit at may senyales na ginahasa, sa isang sugarcane plantation sa isang barangay sa Valencia City sa Bukidnon nitong Sabado.
Sa inisyal na pahayag ng Valencia City Police Station, unang naiulat na nawawala ang bata nitong Biyernes at natagpuang patay na sa isang lugar sa plantasyon ng tubo sa naturang lungsod nitong Sabado.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga kasapi ng Valencia City police force at ang mga intelligence agents ng Bukidnon Provincial Police Office sa insidente upang matukoy kung sino ang gumahasa at pumatay sa bata. (January 11, 2025, handout police photo)